Nang ako ay malingat, ako ay nagulat sa aking nasaksihan.. Isang lugar na kailanman ay hindi pa nararating ng sino man, ang kapaligiran ay tila paraiso. Mga mababait na hayop na sa aking pinanggalingan ay isa sa pinakamababangis. Mga leon, tigre, oso, at lahat ng maisip mong mapanganib na hayop ay naroroon, ngunit hindi mo mababanaag sa kanilang postura ang pagkabangis. Sila ay lumalapit sa akin, kapansinpansin ang pagiging maamo ng mga hayop na tinaguriang mapanganib. Sila ay tila naglalambing na dinadampi ang kanilang mabalahibong mukha sa aking paanan na mistulang paraan ng hayop upang makipag kaibigan. At biglang nakarinig ako ng isang malakas na dagundong.. Dumilim.. At unti-unti ang liwanag ay bumabalik. Wala akong nararamdaman na lupa. Wala akong natatapakan. Kinakabahan ako. Ang liwanag ay hindi parin sapat upang malaman ko kung anung nang yari.. Mahangin.. Malamig.. Mahamog... Medyo maliwanag na. "Teka? Bakit may ibon na lumilipad sa paanan ko?" ang tanong ko sa sarili. Nasa alapaap ako. Lumilipad, hindi ko alam kung saan patungo ang pagsabay ko sa agos ng hangin. Mag isa ko lang. Di ko malaman no ang gagawin para marating ang aking pnanggalingan. Naguguluhan na ako sa nangyayari.. Nagiisip ako ng paraan nang may naririnig akong tinig.. Tinig ng aking ina.. Hindi ko maintindihan.. Hindi malinaw.. Alam ko hindi ito galing sa kalayuan. Unti unting lumalakas.. Lumilinaw.. Galit ata ang aking ina.. Hindi ko kayang ang aking ina ay galit sa akin..
Naririnig ko na.. Malapit na... Ayan.... Naintindihan ko na! Napanngiti nalang ako..
"Anong oras ang pasok mo? Di ba seben terti? Bangon naaAa!" ang galit nanamang sigaw ng aking Nanay.. Ganito lagi ang umpisa ng araw ko.. May klase nanaman ako. Kailangan ko nanaman makipagdigmaan sa antok para lang makabangon ako.. Kailangan lumaban.. Wag nalang kaya? Babangon na ba ako? 5min. pa.. Maaga pa.. 30 min. nalang kaya? hindi naman siguro magagalit prof ko? Mabait kaya yun napagdaanan naman siguro niya to.. ZzZZZzzZzzZ at nakatulog nga ako..
At pag gising ko..
Basa ang unan ko. Laway! Kanino kayang laway to? Tsk mga loko talaga..kaamuy pa ng hininga ko. Teka?????? mamaya ko na pagiisipan..7:30 na! Naku. Madali.. "Kakain muna ba ako? Maliligo? Pano ba? Ang hina ng utak ko ang hirap mag isip! Basta ang alam ko kailangan ko mkarating ng school! Isss... Pagsasabayin ko na.. Kakain ako sa banyo! Kaso may masamang balak ang Tiyan ko, bahala na!" Yan ang laging eksena ko.. Monologue.. Kausapin ang sarili.. bagu magdesayd..syempre kasama siya sa team. Ako at ang aking sarili.. ahhh ewan.. maituloy na nga kwento ko.. Pag katapus kong maligo.. este kumaen.. ah este maligo..este mag labas ng sama ng loob.. ah basta sabay-sabay yun. Eh Proproblemahin ko naman pano pag sasabayin isuot lahat ng damit ko, kailangan pagisipan para malupet. "ArRrRgGg mali. Sando pala to akala ko brief!", "Ay napunit. Wag na nga ako mag medyas", "waaaAaAh highschool uniform to. College na ko!!!" yan ang eksena ko sa bihis part ng umaga ko. Ayan 7:35 palang. Panis! 5min. lang ang kain, ligo, at bihis ko.. "ang tindi mu totoy!" ang mayabang kong sinasabi sa sarili. Mag sasalamin lang ako lalarga na. "Naku! May kanin pa ako sa ulo. Di bale memeryendahin ko nalang mamaya. At di bale ulit gwapo naman ako". At pag baba ko ng hagdanan palabas ng pintuan namin... Blag! Punyeta! sa inaraw-araw na bumababa ako dito, araw-araw din ako natatapilok!
Habang naghihintay ng traysikel ay bibili muna ako ng yosi, pampakalma, kaso huling pera ko na to dos, ah di bale mang gogoyo nalang ako ng traysi. Habang ako'y nagsisindi sa gilid ng kalsada at may narinig akong busina... Napakalakas palapit nang palapit.. Mabilis... WhoOoOShHH! Nadale ang yosi ko! Hindi naman siguro kamalasan ang matapilok araw-araw at matagis ng motor ang yosi ko ano? Sori ah..wala na kong pera.. Makasakay na nga sa traysi... "pssst! Traysi! Sa CU nga" dalidaling sabi ko sa traysi at leyt na ko. "Saang CU?" nagkakamot ng ulo na tanong ng driver. "Sa Caleyds Unibersiti, nu ba yan" sagot ko naman kahit wala na akong pera at nagmamadali talaga ako, strikto si prof eh, naiihi na nga ako sa kaba.
Medyo malayo pa sa school ay naihi na ko sa pantalon ko ah este nagpababa na pala ako sa traysikel, "mama sa gilid nalang ako". May roon akong tinitignan sa di kalayuan, na mistulang nakakita ako ng isang ginto sa tabi ng isang seksing babae, at halus lumuwa na mata ko sa panlalaki nito. At lumingondin ang driver, usisero din ang mokong. bumilang ako "isa.... dalawa..... tatlo....."
At sa isang iglap nasa pintuan na ako ng aming silid, pawisan at naghahabol ng hininga. "Namukaan kaya ako? Hindi naman siguro. wahaha". Tumingin ako sa relo, 7:40 palang, 5min. pa para maabsent ako, ayos ang swerte ko talaga. Bubuksan ko na ang pintuan ng aming silid. Unti-unti, maririnig mo ang tunog na nagsasabing luma na ito. Tahimik sa loob. Walang anu mang ingay (Teror kasi si sir). At ng mabuksan na ng tuluyan...nagulat ako nang sa kabila ng katahimikan ay nasaksihan ko silang naglalaro, naghahabulan, ang saya-saya nila...
"Punyeta! walang pasok!". Ipis at dagang iikot-ikot sa silid ang aking nakita. Ngayon. Itanung ko kaya sa mga to kung malas ba ako?
(To be continued)