CURRENT EVENTS

***Materials/reviewers in this blog are for educational purpose ONLY, no copyright infringement intended.



SITE UNDER MAJOR DESIGN RECONSTRUCTION for the following:

*installation of EASY NAVIGATE SYSTEM
*Will add UPDATES AND FEATURED ARTICLES section
*MAJOR LAYOUT RECONSTRUCTION and REDESIGNING
*Other major improvements for user-friendly interface.

SOON TO BE READY FOR DOWNLOAD:

>PRACTICAL ACCOUNTING 1
>AUDITING PROBLEMS
>THEORIES OF ACCOUNTS

Tuesday, August 18, 2009

Sablay




Nang ako ay malingat, ako ay nagulat sa aking nasaksihan.. Isang lugar na kailanman ay hindi pa nararating ng sino man, ang kapaligiran ay tila paraiso. Mga mababait na hayop na sa aking pinanggalingan ay isa sa pinakamababangis. Mga leon, tigre, oso, at lahat ng maisip mong mapanganib na hayop ay naroroon, ngunit hindi mo mababanaag sa kanilang postura ang pagkabangis. Sila ay lumalapit sa akin, kapansinpansin ang pagiging maamo ng mga hayop na tinaguriang mapanganib. Sila ay tila naglalambing na dinadampi ang kanilang mabalahibong mukha sa aking paanan na mistulang paraan ng hayop upang makipag kaibigan. At biglang nakarinig ako ng isang malakas na dagundong.. Dumilim.. At unti-unti ang liwanag ay bumabalik. Wala akong nararamdaman na lupa. Wala akong natatapakan. Kinakabahan ako. Ang liwanag ay hindi parin sapat upang malaman ko kung anung nang yari.. Mahangin.. Malamig.. Mahamog... Medyo maliwanag na. "Teka? Bakit may ibon na lumilipad sa paanan ko?" ang tanong ko sa sarili. Nasa alapaap ako. Lumilipad, hindi ko alam kung saan patungo ang pagsabay ko sa agos ng hangin. Mag isa ko lang. Di ko malaman no ang gagawin para marating ang aking pnanggalingan. Naguguluhan na ako sa nangyayari.. Nagiisip ako ng paraan nang may naririnig akong tinig.. Tinig ng aking ina.. Hindi ko maintindihan.. Hindi malinaw.. Alam ko hindi ito galing sa kalayuan. Unti unting lumalakas.. Lumilinaw.. Galit ata ang aking ina.. Hindi ko kayang ang aking ina ay galit sa akin..




Naririnig ko na.. Malapit na... Ayan.... Naintindihan ko na! Napanngiti nalang ako..






"Anong oras ang pasok mo? Di ba seben terti? Bangon naaAa!" ang galit nanamang sigaw ng aking Nanay.. Ganito lagi ang umpisa ng araw ko.. May klase nanaman ako. Kailangan ko nanaman makipagdigmaan sa antok para lang makabangon ako.. Kailangan lumaban.. Wag nalang kaya? Babangon na ba ako? 5min. pa.. Maaga pa.. 30 min. nalang kaya? hindi naman siguro magagalit prof ko? Mabait kaya yun napagdaanan naman siguro niya to.. ZzZZZzzZzzZ at nakatulog nga ako..



At pag gising ko..


Basa ang unan ko. Laway! Kanino kayang laway to? Tsk mga loko talaga..kaamuy pa ng hininga ko. Teka?????? mamaya ko na pagiisipan..7:30 na! Naku. Madali.. "Kakain muna ba ako? Maliligo? Pano ba? Ang hina ng utak ko ang hirap mag isip! Basta ang alam ko kailangan ko mkarating ng school! Isss... Pagsasabayin ko na.. Kakain ako sa banyo! Kaso may masamang balak ang Tiyan ko, bahala na!" Yan ang laging eksena ko.. Monologue.. Kausapin ang sarili.. bagu magdesayd..syempre kasama siya sa team. Ako at ang aking sarili.. ahhh ewan.. maituloy na nga kwento ko.. Pag katapus kong maligo.. este kumaen.. ah este maligo..este mag labas ng sama ng loob.. ah basta sabay-sabay yun. Eh Proproblemahin ko naman pano pag sasabayin isuot lahat ng damit ko, kailangan pagisipan para malupet. "ArRrRgGg mali. Sando pala to akala ko brief!", "Ay napunit. Wag na nga ako mag medyas", "waaaAaAh highschool uniform to. College na ko!!!" yan ang eksena ko sa bihis part ng umaga ko. Ayan 7:35 palang. Panis! 5min. lang ang kain, ligo, at bihis ko.. "ang tindi mu totoy!" ang mayabang kong sinasabi sa sarili. Mag sasalamin lang ako lalarga na. "Naku! May kanin pa ako sa ulo. Di bale memeryendahin ko nalang mamaya. At di bale ulit gwapo naman ako". At pag baba ko ng hagdanan palabas ng pintuan namin... Blag! Punyeta! sa inaraw-araw na bumababa ako dito, araw-araw din ako natatapilok!

Habang naghihintay ng traysikel ay bibili muna ako ng yosi, pampakalma, kaso huling pera ko na to dos, ah di bale mang gogoyo nalang ako ng traysi. Habang ako'y nagsisindi sa gilid ng kalsada at may narinig akong busina... Napakalakas palapit nang palapit.. Mabilis... WhoOoOShHH! Nadale ang yosi ko! Hindi naman siguro kamalasan ang matapilok araw-araw at matagis ng motor ang yosi ko ano? Sori ah..wala na kong pera.. Makasakay na nga sa traysi... "pssst! Traysi! Sa CU nga" dalidaling sabi ko sa traysi at leyt na ko. "Saang CU?" nagkakamot ng ulo na tanong ng driver. "Sa Caleyds Unibersiti, nu ba yan" sagot ko naman kahit wala na akong pera at nagmamadali talaga ako, strikto si prof eh, naiihi na nga ako sa kaba.


Medyo malayo pa sa school ay naihi na ko sa pantalon ko ah este nagpababa na pala ako sa traysikel, "mama sa gilid nalang ako". May roon akong tinitignan sa di kalayuan, na mistulang nakakita ako ng isang ginto sa tabi ng isang seksing babae, at halus lumuwa na mata ko sa panlalaki nito. At lumingondin ang driver, usisero din ang mokong. bumilang ako "isa.... dalawa..... tatlo....."


At sa isang iglap nasa pintuan na ako ng aming silid, pawisan at naghahabol ng hininga. "Namukaan kaya ako? Hindi naman siguro. wahaha". Tumingin ako sa relo, 7:40 palang, 5min. pa para maabsent ako, ayos ang swerte ko talaga. Bubuksan ko na ang pintuan ng aming silid. Unti-unti, maririnig mo ang tunog na nagsasabing luma na ito. Tahimik sa loob. Walang anu mang ingay (Teror kasi si sir). At ng mabuksan na ng tuluyan...nagulat ako nang sa kabila ng katahimikan ay nasaksihan ko silang naglalaro, naghahabulan, ang saya-saya nila...



"Punyeta! walang pasok!". Ipis at dagang iikot-ikot sa silid ang aking nakita. Ngayon. Itanung ko kaya sa mga to kung malas ba ako?


(To be continued)

Wednesday, August 5, 2009

Battle Field of Life

This entity within our being that do make us feel, think, and live is what they call LIFE. Most of us take advantage of this phenomenon. Most of us just believe that this life is all about rainbows and butterflies. They always wanted to be looking on the brighter side of the existence of this vast and complicated universe. How about the dark side?

Do not just underestimate the darker portion of your life. It will be tantamount to a disease. A really simple disease that is not given proper medication and may mutate into an essence-devouring virus that will slowly consume your very being. As they always say prevention is always better than cure, but what if you've been already infected? The answer is simply just do not IGNORE. Pay attention. Think. Device a plan. Implement your plan. Whenever your plan failed you, do not be disappointed, make another. Three Billion people out there also fail. FAILURE IS NORMAL. Do not be depressed by one crash. Be strong. Do not make this trials make you weak. USE IT. You can utilize your failure to improve your unsuccessful plan. Learn from your mistakes as many will say. Mistakes will always make you stronger, if you will not let lose because of it. It is like a game of chess. Whenever you lose, you will acquire new insights in the dos and don'ts of the next match. You will never do the move that made you lose in your last one-on-one. But this life is not just a simple game of reasoning and strategy. This is the REAL thing. Every move must be precise. Each step must be accurate(because this is not a GAME). Plan(to be certain and ready) . Think critically (Before you decide). Decide (be objective in your decisions, weigh every angle). And whenever you smell confidence; ATTACK! But slowly, to be really exact in infiltrating the enemy. Upon execution of the strategy, on the end you may say: "CHECK MATE". Taste not victory but WISDOM, the value of learning.

This war is not about victory or tragedy. This is not about winning or losing. This is all about learning...

Tuesday, August 4, 2009

Do not read this. This is a piece of trash. This is a waste of TIME!

May mga bagay sa mundo na nangyayari, taliwas sa kagustuhan natin. Hindi ito kasama sa mga plano natin. Biglaan. Aksidente. Nakakagulat. Parang lindol, bigla-bigla nalang dumadating ng walang babala, kabastos wala manlang pasabe, parang aso dadating at aalis kung kailan niya gusto. Pero hindi naman tumatahol ang lindol, ito ay dumadagundong ng biglaan, at nagdudulot ng napakalaking pinsala na kailanman ay mahirap nang kalimutan. Ang tanging makakapaghilom ng sugat na dulot ng lindol ay panahon lamang, minsan mahaba, minsan maikli, pero madalas mahaba eh, minsan mas mahaba pa, napakahaba. Isa pang nakakatulong ay ang pagtulong ng mga karatig bayan, minsan karatig bansa. Sa pamamagitan ng tamang panahon at pagtutulungan ay makakaahon ang napinsala kahit paunti-unti, hindi man napapansin ay sa paglipas ng panahon ating makikita na ang kahit anong bakas ng trahedya ay nabura na, natakpan ng paglipas ng oras. Kaya kung sa panahong ito ikaw ay dinatnan, hindi ng buwanang dalaw kundi ng lindol sa buhay mo (HINDI LITERAL, WAG KANG PILOSOPO!), ay huwag kang mawawalan ng ni katiting na pag asa sa puso mo, sapagkat panahon at kasama lamang ang kailangan mo. Oras para magisip at mabigyan ng solusyon ang iyong dinadala, at maibaon ito sa kaibuturan ng iyong ala-ala, ngunit wag ka nang magtangkang tumakas sa problema, sa pagkat kahit ilang milyong panahon pa ang ibigay sayo, mananatili kang hahabulin at mahahanapan ng bagay na pilit mong nilalayuan. Harapin mo ito, sa pagharap mo rito, dapat handa ka na sa pwedeng mangyari, hindi lahat ng gusto mo nangyayari, kaya dapat ihanda mo ang iyong sarili. Tatagan mo lang ang loob mo. Kaya mo yan. Ikaw pa.

Pero alam ko hindi mo kaya mag isa. Kaya huwag kang maangas dyan na magisa mong haharapin ang kalaban. May mga kaibigan ka gago! May magulang ka na andyan lang na hindi mo pinapansin, matuto kang humingi ng tulong tanga; tao ka lang kaya. Sa pakikipagdamayan ka nabubuhay; sa pakikisalamuha. Sa ibang tao mo lang mararamdaman ang tunay na diwa ng iyong pagkatao. Kaya wag mong kalilimutan na ikaw, panahon, at tanging mga taong abo't kamay mo lang ang makakapagsalba ng dating ikaw. Makakabalik ka pa sa kinagisnan mong buhay. Isa pa, wag kang umasa na lahat ng problema matatanggal mo sa buhay mo. Parte ng buhay yan ungas, asa ka pang mawala lahat. Parang isda yan, napakasarap, lalo na pag isinabay mo pa sa kamatis na may bagoong, lagyan mo pa ng sibuyas, nako nakakatakam! Pero hindi mo makakain yang masarap na yan, nang hindi nagtatanggal ng tinik. Sa tuwing kakain ka nitong napakalinamnam na ulam na ito hinding hindi mo maiiwasan na may tinik ito. Parang ang buhay, kakabit na nito ang mga suliranin na dapat mung harapin upang iyong matikman ang sarap ng isda at maisawsaw mo na sa kamatis na may bagoong. Kaya harapin mo kung anumang pagsubok na humaharang sa daan mo, kasi pag di mo hinarap yan, mananatili yan na harang sa kalyeng iyong tinatahak at siguradong hindi mo mararating ang gusto mong puntahan pag umatras ka. Wag kang duwag! Mga bubwit at ipis lang ang naduduwag. Hindi ka bubwit. At lalong ayaw mong magisng ipis. Kaya laban kapatid!


- SHADOW

About Me

My photo
I owe my life not to a creator, not to the creator, but to MY CREATOR,.I will live this life to my style,.in my own way of doing what is in HIS discretion is right.,nobody can neither tell me that I am wrong nor unrighteous, so I am with the rest of Humanity. No one can Judge me, and no one can I judge; Only my Creator can judge me,.Only OUR Creator can Judge us.